songImage

Na Para Bang by Mariah Deborah

Mariah Deborah

[Verse 1] Sa buhay natin Mayro'ng isang mamahalin, sasambahin Sa buhay natin Mayro'n isang bukod tangi sa lahat at iibigin nang tapat [Pre-Chorus] Ngunit sa 'di inaasahang pagkakataon Na para bang ika'y nilalaro ng panahon May ibang makikilala at sa unang pagkikita May tunay na pag-ibig na madarama [Chorus] Bakit ba hindi ka nakilala nang ako'y malaya pa? At hindi ngayon ang puso ko, may kapiling na Bakit ba hindi ka nakilala nang ako'y nag-iisa? Sino ang iibigin? Ikaw sana [Verse 2] 'Di mo napapansin Sa bawat oras na kasama mo siya, kapiling ka niya Bawat sandali Punung-puno ng ligaya't saya, damdamin ay iba [Pre-Chorus] Ngunit sa 'di inaasahang pagkakataon Na para bang ika'y nilalaro ng panahon May ibang makikilala at sa unang pagkikita May tunay na pag-ibig na madarama [Chorus] Bakit ba hindi ka nakilala nang ako'y malaya pa? At hindi ngayon ang puso ko, may kapiling na Bakit ba hindi ka nakilala nang ako'y nag-iisa? Sino ang iibigin? Ikaw sana, oh-woah Bakit ba hindi ka nakilala nang ako'y malaya pa? At hindi ngayon ang puso ko, may kapiling na Bakit ba hindi ka nakilala nang ako'y nag-iisa? Sino ang iibigin? Oh, woah Oh, oh [Outro] Sino ang iibigin? Sino ang iibigin? Oh, woah